Nakiisa ang Local Government Unit (LGU) ng San Jose sa pagdiriwang ng 2026 International Coastal Clean-Up Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng coastal clean-up activity sa Inobahan Beach.
Pinangunahan ng Office of the Municipal Environment and Natural Resources (MENRO) ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Municipal Mayor Ronnie D. Samson, kasama ang mga kawani ng LGU, mga paaralan, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, organisasyon at mga boluntaryo.
Isinagawa ang coastal clean-up na may temang “Clean Seas for Resilient Communities,” kasabay ng paggunita sa 126th Philippine Civil Service Anniversary.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng baybayin at mahikayat ang iba’t ibang sektor na makiisa sa pangangalaga at pagpapanatili ng malinis na coastal environment.
Naging pagkakataon din ang aktibidad para sa sama-samang pagkilos ng mga kawani ng pamahalaan, mga paaralan, organisasyon at residente bilang pagpapakita ng kanilang pakikiisa sa pangangalaga ng karagatan at kapaligiran.
Sa pamamagitan ng coastal clean-up, muling binigyang-diin ng LGU San Jose ang kahalagahan ng pagtutulungan ng komunidad sa pagpapanatili ng malinis na baybayin at pangangalaga sa likas na yaman ng bayan.



































Discussion about this post