Isang mahinang lindol na may magnitude 2.0 ang naitala malapit sa San Agustin, Romblon dakong alas-5:46 ngayong umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang lindol ay naitala 11 kilometro timog-silangan ng San Agustin.
May lalim itong pitong kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Walang inaasahang pinsala mula sa mahinang pagyanig, at wala ring inaasahang aftershocks kaugnay nito.


























