Pinabulaanan ni Ramon Ang ang ulat na umatras na ang San Miguel Corporation sa P7.8-bilyong Boracay Bridge project na magdudugtong sa Boracay Island at Caticlan sa bayan ng Malay, Aklan.
Ayon umano kay Ang, “Not true” ang pahayag ni Jose Enrique Miraflores hinggil sa umano’y pag-atras ng kumpanya sa proyekto.
Ang proyekto, na ipatutupad sa ilalim ng Public-Private Partnership kasama ang Department of Public Works and Highways, ay may habang 2.54 kilometro at inaasahang magkakaroon ng lanes para sa mga sasakyan, pedestrian, bisikleta, at utility lines.
Patuloy namang kinokontra ng ilang grupo at residente ang proyekto dahil sa posibleng epekto nito sa kabuhayan at kalikasan ng Boracay kabilang ang pangamba sa coral reefs at marine ecosystem ng isla.
May ilang sektor naman ang naniniwalang makatutulong ang proyekto sa turismo, transportasyon, at mas mabilis na pagresponde tuwing masama ang panahon.


































Discussion about this post