Mawawalan ng suplay ng kuryente ang buong Tablas Island, Romblon sa darating na Sabado, Setyembre 13, 2025, mula 5:30 ng umaga hanggang 9:30 ng umaga.
Batay sa inilabas na abiso ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. (TIELCO) at SUWECO Tablas Energy Corporation (STEC), ang apat na oras na power interruption ay bunsod ng pagpapalit ng makina sa STEC Power Plant sa Barangay Batiano, Odiongan.
Kasabay nito ay magsasagawa rin ng pagsasaayos ng mga linya ang TIELCO Maintenance and Construction Team upang matiyak ang mas maayos at tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa isla.
Humihingi naman ng pang-unawa ang pamunuan ng TIELCO at SUWECO sa lahat ng miyembro at konsumer na maaapektuhan ng nasabing 4-hour power shutdown.
































