Sa programang Yan Tayo ng DZMM Teleradyo, ibinahagi ni Lone District Representative Eleandro Jesus “Budoy” Madrona na pansamantalang titigil muna ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga flood control projects sa lalawigan ng Romblon.
Ito ay kasunod ng mga isyu kaugnay ng flood control projects sa buong bansa na iniimbestigahan na ngayon ng pamahalaan.
Ayon kay Madrona, napag-usapan na sa Kongreso na wala munang ilalaang pondo para sa flood control projects sa susunod na taon.
“Sana naman they will have to understand, baka ang kinakabahan ko, kapag bumaha next year, ako na naman ang sisihin kung bakit walang flood control,” pahayag ng kongresista.


































