Arestado ang apat na indibiwal sa bayan ng San Fernando, Romblon dahil di umano sa pagsusugal gamit ang baraha noong Lunes, May 26.
Kinilala ng Police Regional Office MIMAROPA ang mga suspek na sina alyas Daisy, alyas Dondon, alyas Ronald, at alyas Savacion pawang mga residente ng Sitio Anahaw, Brgy. Otod.
Sa ulat, naaktuhan di umano ang mga suspek na naglalaro ng baraha.
Nakuha sa kanila ang P295 na bet money, at iba pang paraphernalia.
Nakakulong na ngayon ang mga suspek at mahahrap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602.


































