Hinamon ng public debate ni Vice Governatorial aspirant Rodne Galicha ang kanyang katunggali ngayong halalan, si incumbent Vice Governor Armando “Arming” Gutierrez.
Sa kanyang Facebook page, iginiit ni Galicha na handa siyang harapin si Gutierrez sa isang open public debate at mock council presiding na susunod sa parliamentary procedures, nang walang tulong mula sa secretariat o mga tagapayo.
Ito ay bilang tugon sa pahayag ni Fameronag na kung si Rodne ay lumalaban para sa kalikasan, si Armando naman ay gumagawa para sa kapakanan ng mga taong nabubuhay na sa mundong pinangangalagaan ni Rodne.
Ayon kay Galicha, hindi magiging posible ang maayos na pamumuhay kung wala na ang likas na yaman at sirang ekosistema.
Para sa kanya, mahalaga ang balanse at sustainable development. Aniya, malawak ang kanyang karanasan hindi lang sa pangangalaga ng kalikasan kundi pati sa gawaing pamahalaan, partikular sa mga konsehong gumagawa ng polisiya at nagsasagawa ng fiscalization.
Wala pang tugon si VG Gutierrez sa hamon.