Namataan ang rising indie pop-rock band na Hey June! sa lalawigan ng Romblon nitong nakalipas na Semana Santa.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ng banda ang kanilang kasiyahan sa pagbisita sa bayan ni Aci Fodra, ang drummer ng grupo.
Makikita sa mga larawan ang masayang pagtungo ng banda sa ilang tanawin sa Romblon, kabilang na ang mga beach.
Sa caption ng kanilang post, taos-puso ang pasasalamat ng banda sa pamilyang Fodra sa mainit na pagtanggap at pag-asikaso sa kanila sa buong pagbisita.
“Salamat sa Fodra fam sa walang sawang suporta at sa pagbubukas ng inyong tahanan sa amin. Romblon, napakaganda mo!” ani ng banda sa kanilang post.
Ang Hey June! ay patuloy na umaani ng papuri sa lokal na indie music scene sa Pilipinas. Binubuo nina Jim Mase (vocals at guitar), Chloe Ballesteros (bass at backup vocals), at Aci Fodra (drums), kilala ang trio sa kanilang mga hugot-driven lyrics at malulutong na live performances.