Plano ni incumbent Sangguniang Bayan Member Kit Firmalo na gawing mas bukas at transparent ang mga sesyon ng Sangguniang Bayan (SB) ng Odiongan sa publiko kung sakaling manalo bilang Bise Alkalde ng bayan.
Sa isang panayam, inihayag ni Firmalo ang kanyang layunin na i-livestream sa social media o ipalabas sa telebisyon ang SB sessions upang magkaroon ng mas madaling access ang mamamayan sa mga talakayan at desisyong ginagawa ng lokal na pamahalaan.
“’Yun talaga ang balak natin na maging live, para makita naman ng taong bayan kung ano ang ginagawa ng Sangguniang Bayan kapag nag-session ang Sanggunian. May balak po talaga tayo diyan,” ani Firmalo.
Dagdag pa niya, mahalaga ang ganitong hakbang upang mas mapalapit ang lokal na pamahalaan sa publiko at mapanatili ang transparency sa bawat aksyon at panukala ng SB.
“Mas maganda naman talaga pag ganun ang setup natin,” pahayag pa nito.