Halos isang libong Sibuyanon ang nagtipon nitong Linggo upang ipagdiwang ang ikalawang anibersaryo ng kanilang matagumpay na barikada laban sa Altai Philippines Mining Corporation (APMC).
Ang barikada, na nagsimula noong Enero 24, 2023, ay naglalayong pigilan ang operasyon ng APMC sa isla dahil sa umano’y kakulangan ng mga dokumento at permit para sa mga proyekto nito, kabilang ang pier construction at pagputol ng mga puno.
Kalaunan, kinumpirma ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga paglabag ng APMC, na nagresulta sa pagpapatigil ng kanilang operasyon.
Sa naturang pagtitipon, nakiisa si Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic at ang kilalang environmentalist na si Rodne Galicha, na patuloy na nagsusulong ng adbokasiya laban sa pagmimina sa isla.
Kasama sa mga aktibidad ang talumpati mula sa mga lider, palaro, at pamimigay ng mga papremyo bilang pasasalamat sa suporta ng mga residente.
Discussion about this post