Balik-politika ang dating Mayor ng Calatrava, Romblon, na si Robert “Bong” Fabella, matapos niyang ihayag ang kanyang intensyon na tumakbo muli bilang alkalde sa susunod na halalan.
Ginawa ni Fabella ang anunsyo sa mga kapiyestahang dinaluhan niya sa Barangay San Roque at Barangay Linao kamakailan.
Si Fabella ay kilalang naging pangunahing tagapagtaguyod ng turismo sa Calatrava noong kanyang tatlong magkakasunod na termino bilang alkalde.
Matapos ang kanyang panunungkulan bilang lokal na opisyal, tumakbo siya para sa mas mataas na posisyon sa probinsya ng Romblon noong 2016.
Discussion about this post