Isang bahay sa Barangay Pandan sa bayan ng Santa Fe, Romblon ang pinasok ng mga kapulisan nitong umaga ng July 8 para magsagawa ng raid alinsunod sa isang search warrant mula sa korte.
Sa isinagawang search ay nakuha di umano sa bahay ng isang Dick Espenida, 32, ang isang granda, at walong piraso ng bala ng caliber .45 na baril.
Ayon sa pulisya, ang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court 4th Judicial Region, Branch 82, noong July 2.
Isinagawa ang pag-marka ng mga ibedensyang nakuha sa harap ng mga opisyal ng Barangay Pandan.
Ang subject ng search warrant ay inaresto ng mga kapulisan at dinala na sa presnto. Mahaharpa ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearm and Ammunitions at sa Republic Act 9516 o ang Illegal Possession of Explosives.
Walang paliwanag ang suspek kung bakit may itinatago itong granada sa kanyang bahay.