Nakuhaan di umano ng mga ipinagbabawal na droga ang isang bahay sa Barangay Mabini sa Corcuera, Romblon na ni-raid ng mga tauhan ng Corcuera Municipal Police Station nitong June 16.
Ang pag-raid sa bahay ni Joseph Famat Fruelda, 52, ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 81.
Ayon sa police report, may limang piraso di umanong transparent heat sealed plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu” ang nakuha sa bahay ni Fruelda..
Ang mga pinaghihinalaang iligal na droga at ilang drug paraphernalia na di umano ay nakita sa bahay ng suspek ay dadalhin sa Romblon Provincial Crime Laboratory Office para sa eksaminasyon.
Nakakulong naman na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.