Brownout ang naranasan ng mga residente ng Santa Fe, Tablas Island, Romblon matapos salpukin ng ng isang mixer truck ang poste ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) nitong hapon ng Lunes sa Barangay Poblacion.
Ayon sa ulat ng Santa Fe Municipal Police Station, ang mixer na na pagmamayari ng Legacy Construction Corporation ay papasok sana umano ng kanilang construction site nang mangyari ang aksidente.
Bigla na lamang umanong umabante ng mabilis ang truck at sumalpok sa poste ng TIELCO dahilan para ito ay mag-collapse.
Tinatayang aabot sa halos P100,000 ang naging pinsala ng aksidente sa mga poste ng TIELCO na nadamay.
Patuloy ang ginagawang replacement ng TIELCO sa mga naapektuhang poste para maibalik ang kuryente sa bayan. Inaasahang ngayong Martes matatapos ang ginagawang pagkumpuni ng TIELCO sa kanilang mga poste.