Inaresto ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration (BI) at Santa Fe Municipal Police Station ang isang Italyanong pinaghahanap ng Italian Embassy at Interpol National Central Bureau.
Ang suspek, kinilalang si Flavio Riga, 63, naninirahan sa Sitio Campong, Brgy. Canyayo, Santa Fe, Romblon.
Ayon sa police report mula sa Romblon Police Provincial Office, ang suspek ay inaresto sa bisa ng isang mission order mula sa BI dahil sa kinakaharap nitong kaso sa Court of Udine sa Rome, Italy noon pang March 12, 2004.
Dagdag pa, expired na rin umano ang passport ng Italyanong naaresto at walang travel documents para patuloy pang manatili sa Pilipinas.