Nanumpa bilang bagong Indigenous People’s Mandatory Representative (IPMR) ng probinsya ng Romblon noong ika-5 ng Setyembre si Ireen R. Roa ng Sibuyan Island.
Ang panunumpa ay ginanap sa Magsaysay Park Capitol sa bayan ng Romblon, Romblon kung saan dumalo ang mga katutubong miyembro mula sa mga tribong Ati, Bantoanon, at Sibuyan Mangyan Tagabukid.
Si Roa ay kapalit ni dating IPMR Lettie Magango na natapos na ang termino ngayong taon.
Ayon sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Sibuyan, nagpahayag ng malalim na pasasalamat ang komunidad ng Sibuyan Mangyan Tagabukid para sa makasaysayang sandali na ito.
Ito ang unang pagkakataon na ang Sinuyam Mangyan ay maglilingkod bilang boses ng mga katutubo sa Sangguniang Panlalawigan.