Naaresto ang isang negosyante sa Romblon noong ika-18 ng Agosto dahil sa paglabag nito sa Batas Pambansa 22 o ang pag isyu ng mga talbog na tseke.
Ang negosyante ay kinilalang si Wency Molina Madali, 39 years old at kasalukuyang nakatira sa Barangay Ilauran, Romblon, Romblon.
Inaresto si Madali sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas ng Municipal Trial Court – Romblon, Romblon noong August 10 dahil sa 2 counts ng paglabag sa BP 22.
Ang nasabing indibidwal ay nasa pangangalaga na ng Romblon Municipal Police Station at nakatakdang iharap sa korte para sa kinakaharap na kaso.
Aabot sa P36,000 sa bawat kaso ang piyansang tinukoy ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (with reports from Paul Jaysent Fos)
The author is an intern of Romblon News Network taking Bachelor of Arts in Broadcasting at Polytechnic University of the Philippines.