Nagsagawa nitong Martes ng TB Active Case Finding ang Rural Health Unit ng Looc katuwang ang Provincial Health Office ng Romblon bilang bahagi sa paggunita sa World TB Day.
Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga residenteng dalawang linggo nang inuubo na magpatingin sa health center para makaiwas sa sakit na TB o tuberculosis.
Libre ang konsultasyon sa nasabing aktibidad at libre rin ang Cheest X-ray. Maging ang mga Senior Citizens o may diabetes ay libre ring makaka-avail sa alok na serbisyo sa TB Active Case finding.
Maliban sa Looc, ang RHU Alcantara rin ay nagsagawa ng parehong aktibidad noong Biyernes katuwang ang Department of Health – Center for Health Development MiMaRoPa TB Control and Prevention Program.
Ayon sa DOH Romblon, mag-iikot hanggang April 25 sa iba't ibang bayan sa probinsya ang libreng TB mass screenings at mga active case-finding activities para masigurong ligtas ang mga Romblomanon sa sakit na TB.


































