Tiklo nitong Martes ang isang construction worker sa Barangay Danao Norte, Santa Fe, Romblon dahil sa kinakaharap nitong kasong rape.
Ang suspek na kinilala ng Romblon Police Provincial Office na si Gerald Damiar, 33, ay may warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 82 noon pang October 25, 2017.
Inaresto ang suspek ng pinagsamang pwersa ng Santa Fe Municipal Police Station, Romblon Provincial Mobile Force Company, PIT Romblon kasama ang RIU 4B at PIU Romblon PPO.
Nakakulong na ngayon ang suspek at nakatakdang iharap sa korte.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso ni Damiar.