Isang bangkay ng babae ang natagpuan ng mga residente ng Sitio Hacienda, Brgy Marigondon Sur sa bayan ng San Andres na palutang-lutang sa Guin-oslob River nitong hapon ng Martes, January 3.
Ang babeng hindi pa nakikilala ay tinatayang nasa 20 hanggang 25 anyos ang edad.
Ayon sa ulat ng San Andres Municipal Police Station, bandang 2:20 ng matagpuan ng tanod na si Luis dela Cruz ang bangkay ng babae habang naglalakad ang tanong sa riverbank.
Agad umano nito na tinawag ang atensyon ng Barangay para humingi ng tulong sa pulisya.
Sa imbestigasyon ng pulisya, posible umanong natangay ng agos ng ilog ang babae dahil sa malakas na current dahil parin sa sunod-sunod na pag-uulan sa lugar.
Nakikipag-ugnayan na ang kapulisan sa lahat ng Barangay ng San Andres para sa posibleng pagkakakilanlan ng babae.