Nagsagawa kahapon ang Department of Labor and Employment (DOLE) – Romblon ng Workers’ Association Development Program (WODP) Training sa may 20 residente ng bayan ng Corcuera, Romblon.
Sa nasabing training ay naging topiko ang Financial Literacy, Productivity, Labor Standards & Labor Relations and Occupational Safety & Health na naayon sa ipinag-uutos ng ahensya.
Dumalo rin sa training si Corcuera Vice Mayor Apple Fondevilla na nagbigay ng pasasalamat sa DOLE sa pagdala ng nasabing programa sa kanilang isla.
Aniya, malaking tulong umano ito lalo na sa mga dumalong miyembro ng mga asosasyon.
Samantala, hinihikayat naman ni DOLE Romblon Provincial Director, Carlo B. Villaflores ang mga dumalo na gamitin ang mga natutunan sa training para sa pagpapalabo ng kanilang mga asosasyon at hanapbuhay.