Nagpasa ng resolusyon ang Barangay LGU ng Taclobo sa San Fernando, Romblon upang tutulan o pagsasalungat sa napipintong pagbubukas ng minahan sa kanilang lugar.
Ang nasabing resolusyon na nilabas noong May 30 ay pirmado inaprubahan ng konseho sa pamumuna ni Barangay Captain Fausto Bacero.
Ayon sa resolusyon, hindi gugustuhin ng mga mamayan ng barangay na dumating ang panahon na ang bawat isa ay mahirapan at maapektuhan lalo't higit sa panahon ng kalamidad na maaring maging dahilan ng pagkasira ng kanilang mg aari-arian.
Maalalang mainit na usapan ngayon sa isla ng Sibuyan, Romblon ang mining matapos makarating sa publiko ang aplikasyon ng mining activity sa lugar.


































