Ginanap noong June 1 sa bayan ng Corcuera, Romblon ang Provincial Child Development Workers’ Convention kung saan nagpasiklaban sa iba’t ibang talento ang mga CDW mula sa iba’t ibang bayan sa probinsya.
Maliban rito, nanumpa rin ang mga bagong opisyal ng federated organization ng Child Develoment Workers sa buong lalawigan.
Pinarangalan rin ang mga natatanging Child Develoment Workers sa iba’t ibang bayan dahil sa natatangi nilang kontribusyon sa kanilang trabaho.
Ayon sa Provincial Social Welfare and Development Office na nanguna sa aktibidad, ito na ang ika-30 pagkakataong nagkaroon ng CDW Congress sa probinsya.