Nakalaya na matapos ma-dismiss ang kaso na isinampa sa itinuturong suspek sa pagpatay sa tatlong miyembro ng pamilya Mendoza sa bayan ng San Jose, Romblon noong Enero.
Ang kasong isinampa kay Patrick Rufino Cahilig ay binasura ng Provincial Prosecutor’s Office dahil sa kakulangan ng probable cause.
Ang suspek ay itinuturo ng witness na si Charlie Mendoza Seraspi na huling nakita nito sa crime scene bago madiskubre ang karumaldumal na krimen.
Sa pahayag naman ni Cahilig, alas-9 palang umano ay tulog na ito sa tinutuluyang bahay at umaga na nagising.
Ayon sa Provincial Prosecutor’s Office, wala umano silang nakitang sapat na ibedensya para ituloy ang kasong 3-counts ng murder na isinampa sa suspek.