Inalala noong Biyernes ng mga residente ng Corcuera, Romblon ang ika-77 taong anibersaryo ng Battle of Tanro-Aw, ang sagupaang nangyari noong World War II sa isla.
Maalalang, March 10, 1945 nang sumugod ang mga Amerikano at Pilipinong sundalo sa mga Hapon na sumakop sa Romblon at Simara Island.
Sa ginanap na paggunita, nagtipon-tipon ang mga opisyal ng bayan at ilang residente ng bayan sa tuktok ng bundok sa isla kung saan matatagpuan ang Tanro-Aw Friendship Park, landmark ng naganap na digmaan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ito na ang ika-walong beses na inobserba at inalala ng bayan ang nasabing digmaan na kumitil sa buhay ng 121 na sundaong Hapon, Amerikano at Pilipino.
Sa pahayag ni Vice Mayor Apple Fondevilla, sinabi nito na sa kabila ng pagkakaiba ng prinsipyo at paniniwala, pwede parin ang lahat maging magkakaibigan. Ito umano ang nais ibigay na paalala sa publiko ng LGU nang itayo nila ang nasabing parke.