May magagamit nang bisikleta at smartphone ang 11 na indibidwal sa bayan ng San Jose matapos silang maging benepisyaryo ng BikeCINATION project ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Noong nakaraang linggo ay pormal nang iginawad sa kanila ng DOLE Romblon sa pangunguna ni Provincial Director Carlo Villaflores ang mga bisikleta na magagamit nila sa paglalako ng kanilang mga produkto.
Ayon kay Director Villaflores, isa itong special program ng ahensya para mahikayat ang publiko na magpabakuna laban sa coroanvirus diease 2019 (Covid-19).
Ang mga pinipiling benepisyaryo ng DOLE ay mga pasok sa A3 at A4 category at fully-vaccinated.
2021 nang ilunsad ng DOLE-Romblon sa probinsya ang BikeCINATION project.