Nakarating na ng mga malalayong isla sa probinsya ng Romblon ang bakunang gawa ng pfizer pharmaceutical kontra Covid-19.
Ayon kay Rallph Falculan, Development Officer ng DOH-Mimaropa, aabot sa 5850 doses ng bakuna ang dumating kahapon, Byernes, para sa mga bayan na nasa mga isla ng Tabals, Banton, Corcuera at San Jose.
Agad itong ibiyinahe sakay ng chopper patungo sa mga malalayong isla para agad na maiturok sa mga gustong magpabakuna.
May 5,171 katao ang nabigyan ng kanilang first dose ng Pfizer Covid-19 vaccines kahapon at inaasahang ang mga natitirang hindi naiturok na mabuna ay ipagpapatuloy na ipamigay ngayong Sabado.