Inilunsad ng mga kabataan sa probinsya ng Romblon ang isang feeding program na tinawag nilang ‘Lugawan Weekend’.
Ang nasabing programa ay inilunsad ng grupong Millennials PH Romblon Chapter sa pakikipagtulungan nila sa opisina ni Vice President Leni Robredo.
Aabot sa 320 mga bata at kabataan mula sa mga bayan ng Magdiwang, Calatrava, Sta. Maria at Looc ang kanilang nabigyan ng masustansyang lugaw.
Ayon kay Alden Dy Fajilan, isa sa mga volunteer, layunin ng programa na magbigay pag-asa at tamang nutrisyon sa mga kabataan lalo sa panahon ng Pandemya.
Inaasahang sa susunod na mga Sabado at Linggo at bibisita sila sa iba pang bayan sa probinsya.