Suspendido ngayong araw, January 12, ang biyahe ng mga pampasaherong bangka papasok at palabas ng bayan ng Corcuera, Romblon dahil sa nararanasang malalakas na alon sa dagat.
Ayon sa Philippine Coast Guard – Corcuera, kabilang sa mga suspendido ang biyahe patungo at galing ng Calatrava sa Tablas Island.
Bagama’t walang nakataas na gale warning, nakaapekto sa probinsya ang hanging Amihan na nagdudulot ng matataas na alon at masamang panahon.
ADVERTISEMENT