Arestado sa pinagsamang pwersa ng Corcuera Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit at ng Batangas City Police Station ang isang lalaking wanted ng 24 taon sa probinsya ng Batangas dahil sa kasong homicide.
Kinilala ang suspek na si Boymelito Fajilagot Ferry, 54, residente ng Barangay Ilijan, Corcuera, Romblon.
Ayon sa ulat ng pulisya, si Ferry ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Honorable Judge Liberato C. Cortes ng 4th Regional Trial Court, Branch 8, Pallocan West, Batangas City noong ika-16 ng Setyembre taong 1996.
Nakakulong na ngayon ang suspek at inaasahang dadalhin ang pabalik ng Batangas para iharap sa korte.
Maari itong makalaya kung magbabayad ng piyansang aabot sa P20,000.