Nagpaskong walang bahay ang isang lalaki sa Barangay Tacasan sa bayan ng Corcuera, Romblon matapos silang masunugan bago sumapit ang pasko.
Sa ulat ng Corcuera Public Information Office, bandang alas-12 ng hatinggabi kanina nang mapansin nito na umaapoy ang bubungan ng kanyang bahay dahilan upang siya ay tumalon sa bintana para tumakas sa bahay na unti-unting kinakain ng apoy.
Mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light material ang buong bahay.
Wala naman nasaktan sa pangyayari ngunit ang mga damit at kagamitan nito ay kasamang naabo ng apoy.
Posibleng ang naiwang nilulutong kanin ang dahilan ng nasabing sunog.
Agad naman siyang tulungan ng lokal na pamahalaan ng Corcuera ngayong Pasko kung saan hinatiran siya ng mga food packs at family kits mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.