Naaresto ng mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station, CIDG Romblon PFU, at Romblon Provincial Mobile Force company ang isang lalaking wanted dahil sa kasong murder noong Biyernes, October 30.
Kinilala ang suspek na si Jomedes Mariano y Velasco, 33, residente ng Barangay Busay, San Jose, Romblon.
Ang pagkakaaresto kay Mariano ay alinsunod sa inilabas na warrant of arrest ni Honorable Edwin B. Buffe, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 82, Odiongan, Romblon.
Nakakulong na ngayon ang suspek at inaasahang ihaharap sa korte para sa kaukulang aksyon.
Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.