Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang boom truck driver matapos itong makuryente sa gitna ng trabaho kanina sa Barangay Balogo, Calatrava, Romblon.
Kinilala ang biktima na si Danny Perelonia Poseran, tubong Oas, Albay.
Ayon sa police report mula sa Calatrava Municipal Police Station, may ikinakarga ang boom truck sa isang dump truck nang sumabit ito sa secondary service wire ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO).
Sinubukan pa siyang iligtas ng kanyang mga kasamahan ngunit bigo sila.
Idineklara siyang dead on arrival pagdating nito sa San Andres District Hospital.