Trending ngayon ang litrato ni Mayor Elmer Fruelda ng Corcuera matapos ibahagi nito ang kanyang pag gabay sa kanyang anak na nag-aaral ng kanyang module.
Ayon sa DepEd-Romblon na nagbahagi ng litrato ni Fruelda, hands-on ito sa pagtuturo at paggabay sa kanyang Grade 11 na anak habang sinasagutan nito ang mga modules na binigay ng kanilang paaralan.
Sabi ni Mayor Elmer sa kanyang facebook post, “I see to it that quality time is devoted to my family. This time its not that usual. I have to assist my grade 11 lad in his modular lessons as we adapt to the new normal teaching- learning modalities.”
Si Fruelda ay dating isang public school teacher bago pasukin ang politika.