Inaresto ng mga tauhan ng Calapan City Police Station at Corcuera Municipal Police Station ang isang barangay tanod sa bayan ng Corcuera, Romblon na may kasong rape na may kinalaman sa Republic Act 7610.
Kinilala ang suspek na si Winnie Fetalco Manongsong, 43 anyos, barangay tanod ng Brgy. Colong-colong.
Inaresto si Manongsong sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas ni Honorable Judge Cefeline R. Goco, Acting Presiding Judge ng Family Court Branch 11, Calapan City, noong ika-13 ng Pebrero ng nakaraang taon.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa Corcuera Municipal Police Station at inaasahang ibabiyahe pabalik ng Calapan para iharap sa korte.
Walang piyansa ang kaso laban sa kanya.