Tatlo katao sa San Fernnado, Romblon ang inaresto ng mga kapulisan nitong Sabado ng hapon matapos maaktuhang naglalaro ng tong-its sa gitna ng umiiral na modified general community quarantine sa lugar.
Ang tatlo ay pawang mga residente ng Barangay Taclobo, San Fernando, Romblon at edad 30-54 anyos.
Sila ay inaresto ng mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station sa pangunguan ni Police Captain Sandy Falcutila kasama ang 3rd Maneuver Platoon ng Romblon Provincial Mobile Force Company at Provincial Intelligence Branch Unit ng Romblon PPO.
Nakuha sa mga suspek ang isang playing decks, at mga pera na gamit umanong pamusta.
Nakakulong na ngayon ang tatlo sa San Fernando Municipal Police Station at mahaharap sa kaukulang kaso.