Pitong kalalakihan sa Barangay Taclobo, San Fernando ang inaresto ng mga otoridad nitong linggo ng tanghali matapos maaktuhang di umanong nagsusugal ng pera gamit sa isang larong baraha.
Ang mga suspek ay edad 23 hanggang 50, at pawang mga residente ng parehong bayan.
Ikinasa ang operasoyn ng mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station at 3rd Manuever Platoon ng Romblon Provincial Mobile Force Company.
Aabot umano sa 2,430 na di umano ay ginamit na pangpusta ang nakuha sa mga suspek.
Ikinulong sila sa San Fernando Municipal Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 as amended by RA 9287.