Isang bagong rescue boat ang ipinagkaloob ng Provincial Government ng Romblon sa Island Municipality ng San Jose kamakailan.
Mismong sina Governro Jose Riano at Congressman Eleandro Madrona ang naghatid sa nasabing rescue boat sa isla noong Biyernes kung saan naging saksi rin sa ginawang pagbabasbas rito ng simbahan.
Ang nasabing rescue boat ay malaking bagay para sa isla dahil maari itong magamit kung sakaling may mga sakuna sa dagat o di kaya ay may mga pasyente sa lugar na kailangang dalhin sa Romblon Provincial Hospital sa Tablas Island, Romblon o sa Provincial Hospital ng kalapit na probinsya ng Aklan.
Ang rescue boat ay may taglay rin na iba’t ibang navigation devices at communication devices bilang siguridad ng mga sakay nito.
Matatandaang nauna ng nabigyan ng rescue boat noong nakaraang buwan ay island municipality ng Concepcion, Romblon.
Malaki naman ang pasasalamat ni San Jose Ronie Mayor Samson sa ibinigay na bagong sasakyan ng Provincial Government dahil umano ngayon ay hindi na mahihirapang makatawad ng ibang isla ang mga pasyente.