Nagpositibo sa coronavirus disease ang dalawang close-contact ng LSI (locally stranded individual) na nagpositibo rin sa Covid-19 noong nakaraang linggo.
Ayon sa San Fernando Rural Health Unit, natanggap nila ngayong araw ang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test result ng dalawa at kasamaang palad, sila ay nagpositibo sa virus.
Ang dalawa ay naka-isolate na simula pa noong lumabas ang resulta ng unang confirmed case sa bayan.
“Huwag po tayong magpanic maging kalmado lng po tayo. Manatili po tayo sa ating mga bahay. Huwag lumabas kung di nman kailangan,” paalala ng San Fernando RHU.
Hindi pa naglalabas ng pahayag ang Provincial Epidemiology Surveillance Unit at Department of Health kaugnay rito.