Negatibo sa coronavirus disease 2019 o Covid-19 ang 16 na natukoy na close-contact ng locally stranded individual (LSI) sa San Fernando, Romblon na nag positibo sa Covid-19 noong nakaraang linggo.
Ayon sa Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) nitong gabi ng Martes, 16 sa 18 ay nag negatibo sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT PCR) test habang ang resulta ng dalawa ay hinihintay parin.
Samantala, patuloy na inoobserbahan si Patient #4 sa isang isolation area sa bayan ng San Fernando. Siya ay asymptomatic o walang ipinapakitang senyales ng Covid-19.
Hindi pa tukoy kung kelan siya kukunan mula ng swab samples para muling isalang sa RT PCR test.