Kasunod ng pagpapatupad ng lockdown sa bayan ng San Fernando kahapon, June 26, inatasan ni Governor Jose Riano na magpatupad rin ng lockdown sa mga bayan ng Cajidiocan at Magdiwang simula ngayong Sabado.
Ayon kay Governor Riano, ang lockdown ay magsisimula ngayong alas-10 ng umaga.
Dahil parin ito sa pagpositibo ng isang Locally Stranded Individual (LSI) na nagpositibo sa Covid-19 matapos umuwi ng probinsya noong nakaraang linggo.
Dahil sa lockdown, pansamantala munang hindi tatanggang ang buong isla ng sibuyan ng mga LSI at Returning Overseas Filipino (ROFs) simula ngayong araw.
Lilimitahan ang biyahe ng mga tao at cargo na papasok sa Sibuyan mula sa ibang bayan ng Romblon.
Ipinag-utos rin ng Gobernador sa tatlong munisipyo sa isla na gumawa na agad ng mga hakbang para maiwasan ang posibleng pagkalat ng Covid-19 sa isla.