Nasunog ang bahay na tinitirhan nina Melisa Vivas Gabay at Ivan Dela Torre sa Barangay Lanas, San Jose, Romblon nitong hapon ng Huwebes.
Ayon sa mga saksi, bandang 5:15 ng hapon nang makita ng mga kapitbahay nilang umuusok ang Nipa Hut na tinitirhan ng dalawa.
Sinubukan pa umano nilang patayin ang apoy na posibleng nagmula sa kusina ng bahay ngunit bigo umano sila at mabilis na kumalat ang apoy dahil sa gawa sa light materials ang bahay.
Wala namang nasaktan sa nasabing insidente dahil wala naman umanong tao sa bahay nang mga oras na iyon.
Sa taya ng Bureau of Fire Protection, aabot sa P35,000 ang pinsala sa ari-arian ng dalawa.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.