Binuksan na sa publiko ang bagong upgrade na community playground ng bayan ng Looc, Romblon kasabay ang pagdiriwang sa bayan ng National Children’s Month ngayong araw.
Pinangunahan ni Looc mayor Lissete Arboleda ang pagpapasinaya sa playground saksi ang mga bata at mga magulang nito na tuwang-tuwa dahil sa mga bagong laruan sa playground katulad ng bagong slide, swing, at iba pa.
Pinasalamatan ni Mayor Arboleda ang mga tumulong para matapos agad ang pagsasaayos ng nasabing playground.
Sa panayam ng mga mamahayag kay Arboleda nitong Biyernes, sinabi nitong gusto niyang masaya ang mga bata tuwing pupunta sa playground dahil naranasan niya rin umanong dumaan sa pagiging bata.
“Hinahanap-hanap ko yan noon, siyembre dumaan tayo sa pagiging bata. Pag bata talaga, slide at swing ang gusto nila kaya gumawa tayo ng paraan para maisaayos ang mga yan,” ayon kay Arboleda.