Arestado nitong Sabado ng hapon sa Boracay Island ang isang lalaking wanted sa San Jose, Romblon matapos di umanong halayin ang kanyang anak noong nakaraang buwan.
Ang suspek na itago nalang natin sa pangalang “Ben” ay naaresto ng mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station bandang 1:10 ng hapon sa Brgy. Manocmanoc matapos makatanggap ng kopya ng warrant of arrest ang pulisya.
Agad na dinala ang suspek pabalik ng Carabao Island, para sa booking procedure at inaasahang dadalhin sa Odiongan para iharap sa korte.
Inireklamo ang suspek matapos magsumbong ang anak nito na hinahalay umano siya ng kanyang sariling ama noong mga nakaraang buwan.
Walang pahayag ang suspek. Walang piyansa ang kaso nito.