Dalawang gabi na nakakaranas ng total blackout ang Simara Island, Romblon dahil sa sirang generator set ng National Power Corporation (NPC)
Ayon kay Mayor Elmer Fruelda, ginagawa na ng NPC at ng Romblon Electric Cooperative (ROMELCO) ang lahat ng paraan para muling mapagana ang tatlong genset ng isla na nasira upang maibalik ang normal na operasyon ng mga ito.
“Muli nating hinihingi ang ibayong pang unawa ng lahat ng aking mga kababayan sa total blackout na ating nararanasan sa isla. Lahat ng paraan ay ginagawa na ng mga tao ng napocor sa major trouble na nangyari sa 3 gumaganang genset nila,” ayon sa Facebook post ng alkalde.
“Alam po natin ang malaking epektong dulot nito sa lahat ng ating kabuhayan. Kaya patuloy po ang ating pakikipag ugnayan sa npc upang maihatid ang agarang solusyon sa problemang ito,” dagdag pa nito.
Humihingi rin ng paumanhin ang pamunuan ng ROMELCO sa mga consumers na apektado ng blackout.