Inanunsyo na ng Miss World Philippines sa isang press conferene ngayong Linggo ang kanilang mga napiling kandidata na lalaban para sa title na Miss World Philippines 2019 ngayong September.
Isa sa mga lalaban ay si Sharmane Galisanao na tubong Alcantara, Romblon at kanyang dadalhin sa pageant ang pangalan ng Probinsya ng Romblon.
Ito ang unang national pageant na sasalihan ng 23 anyos na si Galisanao na noon ay lumalaban lang sa local pageant sa probinsya.
Gaganapin ang koronasyon ng Miss World Philippines 2019 sa darating na September.