Isang patay na green sea turtle ang natagpuan sa baybayin ng Barangay Poblacion sa Corcuera, Romblon nitong umaga ng Biyernes, Agosto 30.
Ayon kay Julius Falejo, bandang alas-7 ng umaga ng makita nilag inanod papunta sa baybayin ng Poblacion ang pawikan, nilapitan nito sa pag-aakalang buhay ngunit pagtingin nila ay wala ng buhay. Tinatayang may bigat mahigit 25 kilos ang nasabing pawikan.
Pinaalam nila ito sa mga tauhan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) para masuri ang pawikan at para mailibing sa tamang libingan.
Ang mga green sea turtle at iba pang ng pawikan ay itinuturing ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na isa sa mga endangered species sa mundo.