Nakakuha ng medal sa ginanap na swimsuit competition ng Miss Philippines Earth 2019 ang pambato ng probinsya ng Romblon na si Dani Acuña.
Silver medal ang naiwu ni Acuña, pumangalawa kay Miss San Remigio, Cebu na nakakuha ng gold at sinundan naman ni Miss Valenzuela City na nakakuha ng bronze.
Ginanap ang competition sa El Nido sa probinsya ng Palawan.
Si Acuña ay advocate ng Responsible Tourism lalo na sa mga kabataang mahilig mag-travel.
Sa darating na July 10 gaganapin ang Coronation Night ng Miss Philippines Earth 2019 sa Cove Manila.