Sinuspende ng Coast Guard Station ang biyahe ngayong Miyerkules, July 17, ng mga pampasaherong bangka patungo at galing ng bayan ng Corcuera sa Simara Island, Romblon dahil sa masamang panahon, ayon sa Facebook post ni Sangguniang Bayan member Lowie Fetalvero.
Isa na sa apektado ng suspension ay ang biyaheng Corcuera – Calatrava, Tablas Island ngayong araw.
Malalakas umano ang alon na kasalukuyang nararanasan sa karagatang sakop ng isla dahil sa Habagat na pinapalakas ng bagyong Falcon.
Paalala ng Philippine Coast Guard, huwag na magpumilit sa paglalayag lalo na ang mga maliliit na bangkang pangisda para iwas disgrasya.