Bigo mang makuha ang korona ng Miss Philippines Earth 2019, nakapasok naman sa Top 10 spot ng kompetisyon ang pambato ng Romblon, Romblon na si Dani Acuña sa ginanap na pageant nitong Miyerkules sa Cove Manila Resort sa Paranaque City.
Bago pa man itanghal na panalo ng kompetisyon si Janelle Tee ng Pasig City, nag-stand out muna si Acuña na naging crowd favorite base sa mga forums.
Sa #EarthTalk portion ng kompetisyon, binigay ang topic na #Future kay Acuña para kanyang sagutin.
“As an advocate for the environment, I want to spread awarenes most specially to the youth for their future and for the years to come,” ayon kay Acuña.
Ngunit nang tumawag na ng Top 5, bigo si Acuña na makapasok.
Ang Miss Philippines Earth 2019 ng Carousel Productions ang kauna-unahang national beauty pageant na hapon ginanap ang kompetisyon, iba sa kalimitang gabi.
Ayon kay Carousel Productions Executive Vice President Lorraine Schuck, ang pagpapalit ng schedule ay bahagi ng kanilang advocacy na makatulong sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtitipid ng kuryente.